Pre Sona forum isinasagawa sa PICC

Kasunod ng nalalapit na ika apat na State Of The Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

 

Nagsasagawa ngayon ng Pre Sona forum ang ilang cabinet secretaries ng Duterte admin.

 

Layon nitong ipaalam sa publiko ang mga accomplishments ng Duterte Admin sa mga nagdaang taon at upang ipaalam ang mga target pang proyekto ng pamahalaan sa nalalabi pa nitong taon sa pwesto.


 

Ang unang bahagi ng forum na isinasagawa ngayon dito sa PICC ay may temang “patuloy na pag-unlad” ng economic development and infrastructure cluster.

 

Ilan sa mga ibinida ni Finance Sec Carlos Dominguez bilang pinuno ng economic cluster ay ang pagbaba ng inflation rate mula 4.1% nuong 2018 pababa sa 3.6% ngayong 2019, ang pagpasa sa train law kung saan ang mga manggawang sumasahod ng P250k kada taon ay exempted na sa pagbabayad ng income tax, nakakakolekta din aniya ang pamahalaan ng P100m per day na buwis sa sigarilyo para naman pondohan ang universal health program at maraming iba pa.

 

Samantala susundan ito ng ikalawang Pre Sona forum sa Cebu sa darating na July 10 na may temang “patuloy na malasakit at pagkakaisa” ng human development and poverty reduction cluster and participatory governance cluster at ang “patuloy na katatagan” ng climate change adaptation, mitigation and disaster risk reduction cluster and security, justice and peace cluster sa darating na July 17 sa Davao City.

Facebook Comments