Pasay City – Nagdaraos ng month-long Pre-SONA 2018 forum ang Office of the Cabinet Secretary at ang Presidential Communications Operations Office ilang araw bago ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23 na ginaganap dito sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
Ang forum ngayon na pinamagatang ‘Tatak ng Pag-unlad’ ay nilalahukan ng economic cluster at infrastructure cluster ng Duterte Administration.
Sa talumpati ni Socioeconomic Planning at NEDA Secretary Ernesto Pernia sinabi nitong nananatiling mataas at steady ang paglago ng bansa kung saan mula sa 6.7% GDP nuong 2017 nasa 6.8% na ito sa unang bahagi pa lamang ng 2018 na dahilan kung bakit kasama ang Pilipinas sa isa pinaka mabilis ang paglago ng ekonomiya sa Asya.
Ibinida din nito na sa nakalipas na 10 taon ng Duterte Administration naitala ang pinakamababang unemployment rate.
Pinasadahan din ang Build Build Build Program ng kasalukuyang administrasyon na lilikha ng 75 flagship projects kabilang na ang six airports, nine railways, three bus rapid transits, 32 roads & bridges at four seaports na layuning pababain ang costs of production, pataasin ang rural incomes, makahikayat ng mga investors at gumawa ng maraming trabaho sa mga Pilipino.
Inilahad din ng mga cabinet secretaries ang iba pang plano ng Duterte Administration hanggang sa 2022 upang mas lalong maramdaman ng bawat Pilipino ang paglago ng ekonomiya.
Susundan ang forum ng ‘Tatak ng Malasakit at Pagkakaisa’ na nakatakda sa July 11 kung saan tampok ang Participatory Governance Cluster habang sa July 18 naman ang ikatlo at huling Pre-Sona forum na ‘Tatak ng Katatagan’ kung saan lalahukan naman ito ng Climate Change Adaptation and Mitigation and Disaster Risk Reduction (CCAM-DRR) and Security, Justice and Peace clusters ng Duterte Administration.