
Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na naglabas na ang korte ng precautionary hold departure order (HDO) laban sa ilang personalidad na sangkot sa flood control anomaly.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan.
Batay sa kopya ng HDO ng Manila Regional Trial Court Branch 52, pinagbabawalang lumabas ng bansa sina Senator Jinggoy Estrada, dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, dating District Engineers na sina Henry Alcantara at Gerard Opulencia.
Kasama rin sa hold departure order si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral na pumanaw noong Disyembre ng nakaraang taon.
Nahaharap sa kasong plunder, direct bribery at corruption of public officers ang mga inireklamo na inilagay sa HDO.
Ipinagbigay alam na rin ang kautusan ng korte sa Bureau of Immigration (BI).










