Maaaring humiling ang government prosecutors sa korte ng pag-iisyu ng precautionary Hold Departure Orders (HDO) para mapigilan ang mga suspek sa pagpatay sa flight stewardess na si Christine Dacera na makaalis ng bansa.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kapag matibay ang mga ebidensya ay maaaring sumadya ang prosecutor sa korte para maglabas ng HDO habang nakabinbin ang inquest o preliminary investigation.
Pwedeng humiling ng precautionary HDOs habang ang criminal complaints ay sumasailalim sa preliminary investigation.
Iba ito sa HDOs na iniisyu kapag isinampa na ang kaso sa korte.
Sa ngayon, wala pang HDOs ang inilalabas ngunit puwedeng ilagay ang mga suspek sa immigration lookout bulletin order.
Facebook Comments