Precinct commander sa General Santos PNP, sinibak dahil sa pananakit sa mga tauhan

Tinanggal na sa pwesto ni Philippine National Police Chief Police General Guillermo Eleazar, ang precinct commander sa General Santos City na nanakit umano sa kanyang mga tauhan.

Kinilala ang sinibak na si PCapt. Nemecio Calipjo Jr., Chief of Police ng Precinct 8 sa Barangay Tinagacan.

Batay sa ulat, sinampal at sinuntok ni Calipjo, ang apat na police non-commissioned officers na nakatalaga sa presinto dahil sa hindi nagustuhan ang pagresponde sa isang reklamo.


Tila naka-inom daw si Calipjo nang manakit.

Ayon kay Eleazar, minabuti nyang alisin ang pulis sa pwesto habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Tiniyak ni PNP chief na hindi nya hahayaan na ganitong klase ng pulis na ang mamuno dahil kung hindi niya kayang irespeto ang kanyang kapwa pulis ay posibleng hindi rin niya kayang irespeto ang mga karapatan ng mga sibilyan.

Facebook Comments