Precinct Finder, inilunsad ng Comelec

 

Inilunsad na ng Commission On Elections (Comelec) ang Precinct Finder, ito’y para tulungan ang mga botante na mahanap ang kanilang polling places ngayong araw ng botohan.

 

Ang mga botante ay maaaring bumisita sa website na: www.gov.ph/web/precinctfinder

 

Ang voter database na ginamit para sa serbisyo ay update mula sa pinakahuling voters registration period nitong september 2018.


 

Ang botante ay kailangang i-type ang kanilang first name, middle name (hindi initial), at apelyido, at piliin ang kanilang province at city o municipality.

 

Pagkatapos ay ibibigay ng website ang impormasyon tungkol sa voter’s precinct, polling center, at voter status.

 

Sa mga hindi mahahanap ang kanilang impormasyon sa website, sumadya sa local comelec office sa kanilang lugar.

 

#RMNbantaybalota2019

Facebook Comments