Manila Philippines – Inamin ni Supreme Court Procurement Head Atty. Ma. Carina Cunanan na may paglabag sa pagbili ng land cruiser na sasakyan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa pagdinig para sa probable cause hearing ng House Committee on Justice sa impeachment complaint na kinakaharap ni Sereno, inamin ni Cunanan na predetermined o ni-request na kung ano ang bibilhing sasakyan para sa Chief Justice na aabot sa P5.2 million.
Bago din ang request para sa Land Cruiser, nauna ng hiniling ng Office of the Chief Justice na suburban ang bilhin pero hindi ito ang binili dahil lumagpas ang presyo sa kanilang pondo.
Napag-alaman pa na verbal lamang ang mga ginawa ng request para sa sasakyan ni sereno.
Iginiit nina ABS Party-List Rep. Eugene De Vera at House Majority Leader Rodolfo Fariñas na malinaw itong paglabag sa procurement law dahil mahigpit na nakasaad sa batas na bawal na isaad ang brand ng mga bibilhing gamit.