Naniniwala ang BizNewsAsia, ang pinakamalaking news at business magazine sa bansa na mananalo sa pamamagitan ng malaking margin na 20-26 million votes si presidential frontrunner, dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos manguna sa lahat ng major surveys sa bansa.
Sa kanilang cover page na isinulat ng beterano at iginagalang na mamamahayag na si Antonio Lopez, nakasaad din sa magazine na game over na para kay Leni Robredo na pinakamalapit na katunggali ni Marcos sa pampanguluhang halalan.
“It’s game over for Vice Pres. Leni Robredo’s presidential candidacy. All the major polls indicate former Sen. Ferdinand Romualdez “Bongbong” Marcos Jr., will win the presidency on May 9, 2022, hands down, by wide margins of anywhere, from 20 million to 26 million votes,” ayon sa repot sa magazine.
“Marcos ran on a platform to unify the country. Robredo’s battlecry was to fight the Marcoses and prevent them from regaining presidential power. The call gained little, if any, traction and her poll ratings stagnated in the 20s or below,” dagdag pa nito.
Tinukoy ng BizNewsAsia ang April 2-6 OCTA Research survey kung saan mayroong 57% si Marcos kontra sa 22% ni Robredo, para sa 21 million votes na kalamangan ni BBM.
Tinukoy din ng magazine ang Laylo Research poll na isinagawa noong April 14-20 kung saan nakakuha si Marcos ng 64% habang Robredo ay may 21%, para sa 43 points o katumbas ng 25.8 million votes.
Samantala, sa Publicus Asia survey noong April 19-21, napanatuili ni Marcos ang 57% kontra sa 21% ni Robredo, dahilan para magkaroon si BBM ng potential margin na 21.5 million votes.
Sa Manila Bulletin-Tangere April 20-22 survey, nakakuha si Marcos ng 51.54 share ng mga boto habang si Robredo ay nasa pangatlong puwesto sa kanyang18.25%. Lamang dito si BBM ng 33.29 points na katumbas ng 20 million votes.
“Averaging these four April 2022 surveys (OCTA, Laylo, Publicus and Tangere) shows BBM with a commanding 57.38% share of the vote, nearly a three-to-one advantage over Robredo’s 20.56%,” ayon sa BizNewsAsia.
Inihayag din nito na ang 57.38% voting preference ay katumbas ng 34.42 million votes para kay Marcos.
Ang 20.56% na diprensya ay nangangahulugan na makakakuha si Robredo ng 12.33 million votes, na 22-million-vote deficit sa 34.42 million votes ni Marcos.