Nagpatupad na ng preemptive evacuation ang Munisipsyo ng Sta. Ana, Cagayan para sa mga residente nitong nakatira sa mga landslide at flood-prone areas.
Nararamdaman na kasi sa ilang bahagi ng Cagayan at Isabela ang epekto ng bagyong Ramon.
Pwersahan na ring pinalikas ang mga pamilyang nakatira sa bayan ng Gataran, at Sta. Praxedes.
Patuloy naman ang pagbibigay ng babala sa mga nakatira malapit sa Cagayan River.
Tiniyak naman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na nakalatag na ang kanilang preparedness plan sakaling manalasa na ang bagyong Ramon.
Naka-deploy na rin ang kanilang mga quick response team katuwang ang PNP at AFP.
Facebook Comments