Preemptive evacuation, ipinag-utos ng DILG sa mga residenteng nakatira sa tabing dagat

Ipinag-utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang preemptive evacuation sa mga residenteng nakatira sa mga coastal areas na apektado ng tsunami advisory makaraan ang malakas na lindol sa Eastern Kamchatka Peninsula sa Russia.

Inatasan ng DILG ang lahat ng Local Chief Executives sa mga apektadong lugar na agad ilikas ang mga komunidad na ang bahay ay nasa tabing dagat at agarang ipatupad ang critical preparedness measures para sa tsunami advisory.

Pinakilos din ng DILG ang iba’t ibang emergency operation centers at incident management teams gayundin ang agarang pagkakaroon ng evacuation routes, directional signs, at safety zones para sa mga apektadong komunidad.

Sa Luzon, pinag-iingat ang Batanes Group of Islands, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes

Sa Visayas, ang Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte

Sa Mindanao,ang Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao Occidental, Davao del Sur, Davao del Norte, Davao de Oro.

Facebook Comments