
Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 3,555 na indibidwal o katumbas ng 975 na pamilya sa 13 na barangay ang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Kung saan nasa 3,516 indibidwal o katumbas ng 963 na pamilya ang kasalukuyang nananatili na sa mga itinalagang evacuation centers.
Mapapansin na nasa 39 na indibidwal na lang o katumbas ng 12 pamilya ang nananatili naman sa labas ng mga ECs.
Ang mga nasabing populasyon ay mula sa lugar ng Camalig, Guinobatan, Ligao City, Malilipot, at Tabaco City sa Albay na pawang nasa anim na kilometrong Permanent Danger Zone.
Kaugnay nito, nagpatupad na ng preemptive evacuation ang pamahalaang lungsod ng Albay kasunod ng pag-aalburoto ng nasabing bulkan na nasa Alert Level 3.
Samantala, patuloy naman ang koordinasyon ng Office of Civil Defense (OCD) sa lokal na pamahalaan at sa mga ahensya ng gobyerno para sa kaligtasan,seguridad at kahandaan sakaling tumaas pa ang alert level ng bulkan.










