PREEMPTIVE EVACUATION, IPINATUPAD SA MACONACON ISABELA

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ang 86th Infantry Highlander Battalion ng preemptive evacuation sa mga nakatira malapit sa baybaying dagat kahapon ika-7 ng Nobyembre, upang tiyakin ang kaligtasan ng mga residente sa Maconacon, Isabela.

Sa tulong ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), mabilis na nailipat ang mga residente upang maiwasan ang panganib na maaaring idulot ng paparating na Bagyong Marce.

Ang paglikas ay bahagi ng paghahanda laban sa inaasahang malalakas na ulan, mataas na alon, at posibleng pagbaha dala ng bagyo.


Patuloy na nakikipag-ugnayan ang MDRRMC at 86IB sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para matiyak ang kaligtasan ng komunidad.

Pinapayuhanpa rin ang mga residente na manatiling alerto, sumunod sa mga abiso, at makipagtulungan para sa kapakanan ng lahat.

Facebook Comments