Preemptive evacuation, isinasagawa na sa ilang barangay sa QC

Nagpatupad nang preemptive evacuation ang Quezon City (QC) Local Government Unit (LGU) sa mga barangay na madalas bahain.

Kasunod na rin ito ng pag-apaw ng mga daanan ng tubig kasunod ng pag-overflow ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam.

Nasa 42 barangay na sa lungsod ang binaha dahil sa patuloy na nararanasang buhos ng ulan.

Patuloy naman na magbibigay ng serbisyong libreng sakay ang QC government .

Ayon sa pamahalaang lungsod, magde-deploy sila ng karagdagang QC Bus sa lahat ng ruta.

ito ay upang makapaghatid ng libreng sakay sa mga commuter sa QC na pauwi na sa kanilang mga pamilya.

Facebook Comments