PREGGY MOMMIES | Iya Villania, thankful sa mga concerned fans; Saab Magalona, ipinagpapasa-Diyos na lamang ang pagkawala ng isa sa kambal na anak

Manila, Philippines – Wala daw problema para sa TV host/actress na si Iya Villania ang patuloy na pag-work out kahit pa buntis ito sa second baby nila ni Drew Arellano.

Ito ang naging pahayag ni Iya makaraang makatanggap siya ng mga mensahe mula sa mga concerned fans kasunod ng pag-post nito ng mga larawan at video kung saan siya ay nasa gym kahit buntis.
Say pa ni Iya, hindi dapat matakot ang mga preggy mommies sa active fitness lifestyle maliban na lamang kung mayroong komplikasyon ang mga ito.

Sa huli, payo pa ng TV host/actress, mas madaling mag-exercise kung nakasanayan na ito pero mayroon din namang limitasyon kung kailan dapat mag-slow down.


Samantala, ipinagpapasa-Diyos na lamang ni Saab Magalona ang nangyari sa kaniya kung saan inamin nito na namatay ang isa sa mga kambal na anak isang buwan na ang nakakaraan.

Ito ang pag-amin ng singer/actress kasabay ng 9th death anniversary ng kaniyang ama na si Francis M.
Bagama’t nawala ang kaniyang baby girl, nasa mabuting kalagayan naman na daw ang kambal nitong baby boy.

Facebook Comments