Preliminary Competition Ng 65Th Miss Universe Pageant Mamayang Gabi – All Set Na

3

MANILA – Kasado na ang preliminary competition ng 65th Miss Universe pageant na gaganapin mamayang gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng mga candidates.Ilan sa mga beauty queens ay excited nang irampa ang kanilang swimsuit at evening gown maging ang kanilang national costume.Kasabay nito, inilabas na ng Miss Universe organization ang listahan ng mga judges sa preliminary competition.Kinabibilangan ito nina Miss Universe 1993 Dayanara Torres at 2007 Miss Universe Riyo Mori.Ang tatlo pang hurado na bubuo sa panel of judges ay kinabibilangan ng dating model at ngayon ay real housewives of Atlanta Star Cynthia Bailey; dating journalist, publicist at international marketing director na si Rob Goldstone; at ang president at executive producer ng people’s choice awards na si Fred Nelson.Magsisilbing host ng preliminary competition si Miss Universe Pia Wurtzbach at ang aktor na si Derek Ramsay.Ang preliminary competition kabilang na ang initial interview kahapon sa mga candidates, ay ang batayan ng pipiliing top 12 finalists na iaanunsyo sa coronation ng Miss Universe pageant sa darating na January 30.

Facebook Comments