Preliminary conference kaugnay ng oral arguments sa writ of kalikasan, itinakda ng SC ngayong hapon

Ala-una ngayong hapon nakatakda ang preliminary conference kaugnay ng oral arguments ng Korte Suprema sa writ of kalikasan ng mga mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Layon nito na maplantsa ng mga partido ang mga isyung tatalakayin sa oral arguments sa June 25.

Partikular na partido sa kaso ang administrasyong Duterte at ang mga miyembro ng Kalayaan Palawan Farmers and Fisherfolks Association.


Una nang pinagkalooban ng Korte Suprema  ang grupo ng mga mangingisda ng writ of kalikasan noong nakaraang buwan na nag-aatas sa gobyerno na proteksyunan, i-preserve at i-rehabilitate ang marine environment sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal, Panganiban Reef o Mischief Reef at Ayungin Shoal.

Kasunod ito ng reklamo ng mga mangingisda na dahil sa pakikialam ng China sa mga likas yaman sa mga nabanggit na karagatan ay naapektuhan na ang kanilang kabuhayan.

Facebook Comments