Manila, Philippines – Nagpadala na ng mga kopya ng video footage ng mga talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV sa International Criminal Court o ICC.
Ito ay bahagi pa rin ng isasagawang preliminary examination sa reklamong paglabag sa crimes against humanity na kinakaharap ng pangulo sa ICC.
Sa kanyang privilege speech, iginiit ni Trillanes, na laman ng mga nasabing footage ang mga pagbabanta ng pangulo na papatayin ang mga drug addict at nagtutulak ng droga.
Sa ilalim aniya ng Rome statute, hindi kinakailangan ng direktang kautusan para mapatunayan ang kasong crimes against humanity sa isang inaakusahan.
Sabi pa ni Trillanes, malinaw rin sa mga naging talumpati ng pangulo ang pang-eengganyo nito ng pagpatay.
Facebook Comments