Preliminary HDO vs Mayor Guo at ilan pa, hihilingin ng DOJ sa korte

Target ng Department of Justice na mailabas na agad ang Preliminary Hold Departure Order (HDO) laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at labingtatlo pang indibidwal na nahaharap sa kasong Qualified Human Trafficking.

Ito ay matapos na pirmahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang Immigration Lookout Bulletin Order laban kay Guo, dating Technology and Resource Center Director General Dennis Cunanan at labingdalawa pang indibidwal.

Ayon sa DOJ, hihilingin din nila ngayong linggo na makapaglabas ng Hold Departure Order ang korte.


Ang mga ito ay una nang kinasuhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission noong nakaraang linggo sa tanggapan ng DOJ.

Sa ngayon, umiiral na ang lookout bulletin kung saan babantayan ang bawat kilos ng mga ito at iaalerto ang kinauukulan sakaling magtangkang lumabas ng bansa.

Naglabas ng lookout bulletin habang dinidinig ang kaso laban sa kanila.

Facebook Comments