
Nagsimula na ngayong araw ang pagdinig sa kasong administratibo sa National Police Commission (NAPOLCOM) laban sa mga pulis na sangkot umano sa mga nawawalang sabungero.
Sa panayam ng media sa NAPOLCOM, sinabi ni Atty. Howard Calleja, ang abogado ng mga pamilya ng nawawalang sabungero, na mahigpit nilang binabantayan ang ginagawang pagdinig ngayong araw.
Ani Atty. Calleja, kumpiyansa ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero na makakamit ang hustisya.
Itinanggi rin ni Atty. Calleja na may ilan umanong pamilya ng mga nawawalang sabungero ang nagpa-areglo.
Aniya, wala umanong pamilya ang umalis sa kanilang grupo kasama ang Lasco family at 17 pamilya ng mga nawawalang sabungero.
Dagdag ni Calleja, sa pagpasok ng mga bagong testigo at sa tulong ng ebidensya gaya ng person na testimonya at mga video, umaasa silang mabibigyan ng linaw ang kaso ng mga nawawalang sabungero.
Naniniwala naman ang kampo nila Calleja na mas mapabtitibay ang kaso sa pagpasok ng kapatid ni Julie Patidongan alyas Totoy na si Elakim Patidongan.









