MANILA – Sisimulan na ng Department of Justice (DOJ) sa Abril ang imbestigasyon hinggil sa 81 million US dollar money laundering sa bansa.Ayon sa DOJ, itinakda sa April 12 at April 19 ang preliminary investigation dahil hinihintay pa ng DOJ kung hihingin ng Senado ang bank records ng RCBC na dawit sa anomalya.Hawak na kasi ng DOJ ang bank records ng mga umano’y sangkot sa money laundering na sina Michael Francisco Cruz, Jessie Christopher Lagrosas, Alfred Santos Vergara, Enrico Teodoro Vasquez at William Go.Ang kopya ng bank accounts ay kinuha umano sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC) at kanilang ginamit na ebidensya sa pagsasampa ng kaso laban kay RCBC Jupiter Branch Manager Maia Santos-Deguito.Sinabi naman ng DOJ na maaari pang madagdagan ang mga indibidwal na makakasuhan kaugnay ng naturang iskandalo.
Preliminary Investigation Kaugnay Sa 81 Million Us Dollar Money Laundering, Sisimulan Na Ng Department Of Justice
Facebook Comments