Preliminary investigation ng DOJ kaugnay sa kaso ng hazing victim na si Atio Castillo, tatapusin na bukas

Manila, Philippines – Nakatakdang tapusin ng Department of Justice (DOJ) bukas (November 16) ang preliminary investigation sa kaso ng hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo, III.

Ayon kay Assistant State Prosecutor Susan Villanueva, chair ng panel of prosecutors – ito ang huling pagkakataon ng mga respondents sa kaso na maghain ng kani-kanilang rejoinders bilang sagot sa ibinabatong akusasyon laban sa kanila.

Pero paglilinaw ni Villanueva – hindi naman silang pipilitin na mag-file ng kanilang rejoinders.


Pagkatapos magsumite ng kanilang mga rejoinders ay idedeklarang submitted for resolution na ang kaso.

Ang Manila Police District (MPD) ay mayroong 18 respondents sa kaso na inirereklamo ng murder, robbery at paglabag sa anti-hazing law.

Ang mga magulang ni Atio ay may 31 respondents kung saan 23 rito ay kinasuhan ng apat na counts ng perjury at obstruction of justice.

Sa kabila nito, posibleng magsagawa pa sila ng clarificatory hearing sa November 28.

Facebook Comments