Preliminary investigation ng DOJ para sa estafa cases ni alyas Bikoy, itinakda ngayong araw

Isasagawa ngayong araw ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa kasong estafa laban kay Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy.’

Sa inilabas na subpoena ni Assistant State Prosecutor Herbert Calvin Abugan, pinadadalo nito si Advincula sa gagawing pagdinig.

Inihain ang reklamong estafa laban kay Advincula sa DOJ noong May 10 ni Ardeur World Marketing Corporation President at Chief Executive Officer Arven Valmore matapos niya itong mamukaan nang lumitaw sa isang press conference hinggil sa “Ang Totoong Narcolist” video.


Nag-ugat ang paghahain ng kaso ni Valmores dahil sa paggamit ni Advincula sa pangalan at logo ng kumpanya para sa promotional activities nang walang paalam sa korporasyon.

Facebook Comments