Preliminary Investigation sa flood control anomaly sa Bulacan, iniurong ng DOJ sa Biyernes

Iniurong ng Department of Justice (DOJ) ang petsa ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Ito ay dahil suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno ngayong araw dahil sa banta ng Super Typhoon Uwan.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, isasagawa ang unang pagdinig para sa preliminary investigation sa darating na November 14, araw ng Biyernes.

Inaasahang dadalo rito ang mga indibidwal na isinasangkot sa anomalya na nauna nang pinadalhan ng subpoena ng DOJ.

Kabilang sa mga iniimbestigahan ay ilang dating engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza.

Ayon sa DOJ, target nilang tapusin ang pagdinig sa loob ng isang buwan para agad makapagsampa ng kaukulang kaso sa korte.

Facebook Comments