
Sisikapin ng Department of Justice (DOJ) na masimulan sa loob ng isang buwan ang paunang imbestigasyon kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Sa pulong balitaan, sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na ito ay kaugnay sa limang kaso na ibinalik ng Office of the Ombudsman sa kanilang tanggapan.
Ayon kay Martinez, kasama na rito ang pagpapadala ng subpoena sa mga indibidwal na dawit sa isyu.
Sakali namang mapatunayan na matibay ang mga ebidensiya ay may tyansang idiretso na ito sa mga korte.
Samantala, kinumpirma ni Martinez na bumuo ang Justice Department ng Public Works and Bid Rigging Task Force na tututok sa isyu.
Facebook Comments









