Preliminary investigation sa kaso ng mga missing sabungero, umarangkada na sa DOJ

Isinasagawa na ngayong Huwebes ng umaga ang paunang imbestigasyon kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ito ay kasunod ng inihaing reklamo ng mga kaanak ng mga biktima sa Department of Justice (DOJ) noong nakaraang buwan laban mahigit 60 indibidwal kabilang na ang businessman at gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang at Gretchen Barretto.

Pasado alas-10 ng umaga nang magsimula ang preliminary investigation kung saan dumating din si dating National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Jonel Estomo na dawit din sa reklamo ng mga kaanak.

Dumating din sa preliminary investigation (PI) ngayon dito sa tanggapan ng DOJ ang whistleblower na si Julie Patidongan “Alyas Totoy” at kapatid na si Elakim.

Nagpapatuloy naman ngayon ang closed door hearing sa Justice Hall.

Inaasahang magsusumite rin ang mga inireklamo ng kanilang mga kontra salaysay.

Facebook Comments