
Umarangkada na ngayong araw ang preliminary investigation sa reklamong tax evasion na inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Polo Martinez, personal na nagsumite ng kanilang counter affidavit ang mag-asawa kanina.
Inireklamo sina Discaya dahil sa mahigit ₱7 billion umanong hindi binayarang buwis mula 2018 hanggang 2021.
Kabilang dito ang personal income tax, buwis sa mga luxury vehicles, at para sa paglilipat ng shares ng kanilang apat na kumpanya.
Sabi ni Martinez, sa December 5 ang submission ng reply affidavit habang sa December 18 ang paghahain ng rejoinder affidavit.
Pagkatapos nito ay magiging submitted for resolution na ang kaso.









