Preliminary investigation sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan, isinagawa ngayong araw sa DOJ

Isang dati at isang kasalukuyang senador ang nagtungo sa Department of Justice (DOJ) upang maghain ng kanilang kontra salaysay kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Naunang dumating kaninang umaga si dating Senador Bong Revilla na idinadawit sa isyu ng flood control anomaly sa Bulacan.

Pasado ala-una ng hapon naman nang magtungo sa DOJ si Senator Joel Villanueva para maghain din ng counter affidavit sa reklamong inihain ng NBI Public Works and Bid Rigging Task Force.

Tinawag naman ni Villanueva na katawa-tawa ang reklamo bagama’t iginagalang daw nila ang proseso ng batas.

Wala namang naging pahayag si Revilla pero sabi ng abogado niya na si Atty. Franchesca Señga, pawang mula sa mga hearsay lamang ang batayan ng mga reklamo.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, ngayong araw naka-schedule ang preliminary investigation sa WAWAO Builders at Topnotch Catalyst Builders kaugnay sa Bulacan First District Engineering Office na sinasabing kumpleto kahit na guni-guni lamang.

Kabilang aniya sa mga reklamo ay direct bribery, corruption of public officials, malversation through falsification at paglabag sa Government Procurement Reform Act at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Habang may panibago namang kinakaharap na reklamo si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Facebook Comments