Preliminary investigation sa tax evasion case ng aktor na si Richard Gutierrez, tinapos na ng DOJ

Manila, Philippines – Tinapos na ng Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes ang preliminary investigation sa reklamong falsification of documents at perjured affidavits sa tax evasion case ng aktor na si Richard Gutierrez.

Kasama ang kanyang abogado, nagtungo si Gutierrez sa opisina ni Assistant State Prosecutor Christine Perolino para mag-file ng rejoinder affidavit bilang tugon sa bintang ng BIR.

Ang aktor ay inakusahan ng pagsusumite ng falsified annual income tax return para sa taong 2012 na labag sa article 172 ng revised penal code.


Nilabag din umano ng aktor ang article 138 ng revised penal code dahil naman sa pagsusumite ng mga pekeng affidavit ng kanyang P38.57-million tax evasion case sa preliminary investigation hearing noong July 18.

Iginiit ni Gutierrez sa kanyang rejoinder affidavit na hindi siya ang nag-ayos sa mga papeles, kung hindi ang accountant ng R Gutz Production Corp. na si Teresita Dabu-Lapid.

Tinawag din niyang “premature” ang kaso.

Facebook Comments