PRELIMINARY INVESTIGATION | Trillanes, pinadalhan ng subpoena ng Pasay Court

Manila, Philippines – Pinadalhan ng subpoena ng Pasay City Prosecutors Office si Senator Antonio Trillanes IV para humarap sa preliminary investigation ng kasong inciting to sedition at proposal to commit coup d’etat na inihain nina Labor Undersecretary Jacinto “Jing” Paras at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna.

Batay sa subpoena, pinahaharap si Trillanes kay Pasay City Prosecutor Reynaldo Ticyado sa October 18.

Ayon kay Luna, magkakaroon ng clarificatory hearing at tatanungin sila ng piskal para sa affirmation ng reklamo.


Nabatid na ito na ang ikalawang inciting to sedition case laban kay Trillanes sa Pasay Court kung saan ang unang kaso ay inihain sa Metropolitan Trial Court.

Setyembre nang ihain ang reklamo kung saan pinagbatayan ang pahayag ng senador na “insane,” “corrupt,” at “incompetent” si Pangulong Rodrigo Duterte na umano ay paghimok sa publiko na labanan ang kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments