Preliminary report kaugnay sa umanoy mga insider ng POGO sa mga korte, nasa Supreme Court en banc na

 

Welcome sa Korte Suprema sakaling may iba pang impormasyong nalalaman si Senator Sherwin Gatchalian kaugnay sa pahayag nito na nakapasok na ang impluwensiya ng mga
Philippine Offshore Gaming Operator
(POGO) sa hudikatura.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, makakatulong sa kanilang ginagawang imbestigasyon kung may iba pang impormasyon na maibibigay ang senador.

Sa ngayon, naisumite na ng Office of the Court Administrator ang kanilang preliminary report at nirerebyu na rin ng Court en banc.


Una nang sinabi ni Gatchalian na posibleng may ‘insider’ na rin sa judiciary ang mga nasa likod ng POGO kaya agad natutunugan ang mga isinasagawang raid.

Matatandaang sa sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga ay nasa 140 lang ang naaresto kahit na libu-libo ang nagtatrabaho dito.

Posible umanong habang ginagawa pa lamang ang search warrant ay natimbrehan na agad ng mga taga loob ang POGO operators.

Facebook Comments