Premier Volleyball League, planong simulan ang bubble type tournament sa February o March 2021 sa Laguna

29

Plano ngayon ng mga opisyal ng Premier Volleyball League (PVL) na simulan ang kanilang bubble type league sa February o March 2021 na gaganapin naman sa Laguna.

Ayon kay PVL organizer Sports Vision President Ricky Palou, dalawang venue ang nakikita nilang maaaring pagganapan ng liga kung saan gagawin nila ito sa Inspire Sports Academy sa Calamba City at Trace Colleges sa Los Baños.


Nakikipag-ugnayan na rin ang PVL sa Games and Amusement Board (GAB) para makakuha sila ng pahintulot mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) para makapagsimula na ng pag-eensayo ang mga koponan bago matapos ang buwan lalo na’t ginagawa lamang nila ang training via virtually noong buwan ng abril.

Sinabi pa ni Palou na tinatayang aabot P20 million ang magagastos sa bubble type conference na magtatagal naman ng anim na linggo.

Facebook Comments