PREMYO NG MANGATAREM SA 2024 SGLG, IBBILI NG MODERNONG SASAKYAN NG PULISYA

Ibinahagi ni Mangatarem Mayor Ramil Ventenilla na ang nakuhang premyo ng bayan sa 2024 National Seal of Good Local Governance (SGLG) Award ay ibibili ng modernong sasakyan ng pulisya sa bayan.
Nakatanggap ang bayan ng Php1,153,000.00 na Incentive Fund noong Disyembre sa naturang parangal na nakatakdang gamitin sa pagbili ng karagdagang patrol car.
Ayon sa alkalde, Layunin ng hakbang na ito na mapalakas ang kakayahan ng ating mga kapulisan sa pagpapabilis ng kanilang serbisyo at pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad sa bayan.

Sa pamamagitan ng bagong sasakyan, inaasahan na mas mapapalakas ang seguridad at kaayusan sa bayan, at mas magiging epektibo ang kanilang mga operasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments