PREPARASYON NG HANAY NG KAPULISAN SA PANGASINAN PARA SA DARATING NA HALALANG PAMBARANGGAY, PUSPUSAN NA

Puspusan ang nagiging preparasyon ngayon ng PNP Pangasinan kaugnay sa magaganap na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa darating na buwan ng Oktubre.
Sa panayam kay PCol. Jeff E Fanged, ang Provincial Director ng Pangasinan PPO ay mas pinag-iigting pa umano ng kanilang hanay sa deployment ng mga PNP Personnel sa mga barangay lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng kanilang areas of concern at ang patuloy na checkpoints at police presence.
Dagdag pa nito na patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan ng bawat bayan at lungsod sa lalawigan upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa darating na halalan.

Binabantayan din ang mga lugar na napabilang sa hotspots at hindi umano inaalis ang tsansa na madagdagan o mabawasan ang mga ito habang papalapit na sa mga importanteng kaganapan sa BSKE 2023, tulad ng campaign period at ang eleksyon mismo.
Ibinahagi rin ni Col. Fanged na sa kasalukuyan ay mayroon ng nasa dalawampu o 20 na mga baril ang kanila nang nahuhuli at magpapatuloy sinuman ang mahulian at may paglabag sa batas. |ifmnews
Facebook Comments