Sa Oktubre a-trenta na ngayong taon ang nakatakdang araw ng Barangay at SK Elections kung saan puspusan na sa preparasyon ang COMELEC San Carlos City.
Sa kagustuhan ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng San Carlos na magkaroon ng isang maayos at malinis na halalan sa lungsod ay nagkaroon ng pag-uusap ang Alkalde at Local Election Officer ng COMELEC kung saan ayon sa alkalde na si Mayor Jullier Ayoy Resuello ay gagawin umano ng LGU, City Police Station at iba pang ahensya ang kanilang makakaya na may responsibilidad upang makatulong sa COMELEC para sa pagpapanatili ng kaayusan sa sa darating na eleksyon.
Samantala, sa ibang dako naman, nagkaroon din ng pagtalakay ang LGU at City Police Station sa pangunguna ni PLTCol. Jose Abaya II ukol sa usaping patuloy na pagpapatupad ng katahimikan, kapayapaan at kaayusan sa lungsod kung saan ayon sa alkalde mas papaigtingin pa umano ang pagsupil ng LGU sa usaping iligal na droga dahil isa sa ang lungsod sa may mga aktibong paglalagay ng mga programa kontra droga sa iba’t ibang bahagi ng kanilang bayan.
Ayon pa sa LGU, nasa ibaba ng normal threshold ang crime rate sa lungsod at sinabi pa nito na nakaantabay bente-kwatro oras pulisya sakaling mangailangan ng tropang pulis. |ifmnews
Facebook Comments