PREPARASYON SA OPLAN KALULUWA 2025, SINIMULAN NA SA URDANETA CITY

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Urdaneta City ang mga paghahanda para sa pagpapatupad ng Oplan Kaluluwa 2025 upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa paggunita ng Undas.

Pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang pagpupulong kahapon kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga plano sa traffic management, emergency response protocols, at public assistance deployment.

Kasama sa mga katuwang na ahensya sa pagpapatupad ng operasyon ang Philippine National Police (PNP), City Health Office, Kabalikat Civic Communication Group, Delta Communication, at mga opisyal ng barangay.

Maglalabas din ng mga safety guidelines para sa mga sementeryo bilang bahagi ng pagpapatupad ng Oplan Kaluluwa 2025.

Facebook Comments