Preparedness activities ng OCD, pagaganahin dahil sa inaasahang epekto ng LPA sa Northern Luzon

Bagama’t hindi magiging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) ay pagaganahin ng Office of Civil Defense (OCD) ang kanilang preparedness activities.

Ito ay upang makapaghanda sa posibleng idudulot ng LPA sa bahagi ng Northern Luzon.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni OCD Assistant Secretary Raffy Alejandro na nagmo-monitor sila sa magiging epekto ng LPA mula sa Surigao, Bicol hanggang Central Luzon.


Kaugnay nito, paaalala ni Alejandro sa mga uuwi pa lang galing bakasyon matapos ang Semana Santa na manatiling maingat dahil masikip pa rin ang mga kalsada lalo na ang mga patungo sa kalakhang Maynila.

Pinayuhan din ni Alejandro ang mga maapektuhan ng LPA sa mga susunod na araw na maghanda dahil posibleng magkaroon ng flashflood at landslide dahil ang LPA ang magdadala ng maraming ulan.

Kinakailangan aniyang makinig sa mga awtoridad para maiwasan ang disgrasya.

Facebook Comments