Preperasyon ng pagbubukas ng klase ngayong August 24, apektado dahil sa MECQ

Inihayag ni Undersecretary Nepomuceno Malaluan ng Department of Education (DepEd) na apektado ang mga preperayson ng ilang pampublikong paaralan para sa pagbubukas ng klase sa August 24, 2020 dahil sa pagpatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sa ginawang virtual press conference ng DepEd kaninang umaga, sinabi nito na isa sa mga apektado ay ang pag-produce ng mga learning material.

Apektado rin ang logistic operation, tulad ng pagdadala ng mga learning materials at iba pang mga gamit para distance learning.


Sa kabila nito aniya, hindi pa rin ito makakaapekto sa kabuuan ng pagbubukas ng klase sa August 24, 2020 para sa susunod na school year.

Kahit limitado ang mga tao sa ilang division offices at mga paaralan ng DepEd na sakop ng mga lugar kung saan ipinatupad ang MECQ, ginawa-gawa pa rin ng ahensya ang lahat na paraan upang maipatupad ng maayos ang distance learning kahit nasa gitna pa ito ng pandemya.

Maliban sa Metro Manila, nasa ilalim din ng MECQ ang Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na tatagal hanggang August 18, 2020.

Facebook Comments