Preposition teams at dagdag na resources, pinahahanda ng NDRRMC para tumulong sakaling tumaas pa ang alert level ng Bulkang Bulusan

Inutos na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa Bicol RDRRMC ang pagtatalaga ng preposition teams at dagdag na resources sakaling tumaas pa ang alert level ng Bulkang Bulusan.

Ito ay matapos na ilagay ito sa Alert Level 1 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) makaraang magkaroon ng phreatic eruption kahapon ng umaga.

Ayon pa sa ulat ng NDRRMC, mahigpit ngayon ang ugnayan ng Office of Civil Defense, NDRRMC, Bicol RDRRMC, at PHIVOLCS para naman makipag-coordinate sa mga Local Government Units (LGU) at disaster managers para sa anumang developments.


Nagpapatuloy anila sa kasalukuyan ang pagpapadala ng advisories, emergency text alerts at local announcements para bigyang paalala ang mga residente malapit sa Bulkang Bulusan na maghanda.

Kahapon, una nang naglabas ng memo ang NDRRMC na nagbabawal na makapasok ang sinumang indibdiwal 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) mula sa Bulkang Bulusan at iniutos rin ang pagiging vigilant ng mga nakatira 2-kilometer Extended Danger Zone mula sa bulkan dahil sa inaasahang hazardous phreatic eruptions.

Facebook Comments