Pres. Duterte, inaasahang bisita sa borthday ni Sen. Manny Pacquiao

*General Santos City— Pinaghahandaan na ni Senator Manny Pacquiao ang kanyang kaarawan ngayong darating na Lunes, December 17.*

*Kung saan mamimigay ito ang apat na sasakyan, apatnapo na mga motorsiklo, apatnapo na mga appliances at marami pang iba kasabay ng kanyang ika-apatnapo na kaarawan.*

*Inaasahan rin ang pagdalo ni Presidente Rodrigo Duterte sa nasabing okasyon kung saan nauna na itong kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang.*


*Gaganapin ang engrandeng birthday celebration ng pambansang kamao sa isang convention sa loob ng isang ng mall dito sa lungsod ng general santos.*

*Inasahan rin ang presensya ang ilang mga kaibigan nito sa showbiz, pulitika, negisyo at iba pang sektor.*

*Samantalang inaasahan rin na pagkatapos ng kanyang kaarawan ay sasabak na ito sa heavy training bilang paghahanda sa darating nitong laban kay Adrien Broner sa Enero 19 sa MGM Grand, Las Vegas.*

*Isa sa mga training na gagawin nito ay ang kanyang jogging routine sa Maasim, Sarangani Province.*

Facebook Comments