Presensya ng Chinese coast guard sa Ayungin at Panatag Shoal, nagiging madalas – AMTI

Nagiging madalas na ang presensya ng Chinese coast guard malapit sa Ayungin at Panatag Shoal sa West Philippines Sea.

Base sa September 26 report ng Washingtom-Based Think Tank na Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), ang presensya ng mga barko ng China sa Luconia, Second Thomas Shoal (Ayungin) at Scarborough Shoal (Panatag) ay nagpapakita lamang kung gaano kalawak ang access ng China sa mga bagong tayong port facilities sa artificial islands sa Spratlys.

Nasa 14 Chinese coast guard vessels na nagpapatrolya sa WPS habang bukas ang kanilang Automatic Identification System (AIS) noong nakaraang taon.

Wala pang tugon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense (DND) hinggil dito.

Facebook Comments