
Sa pulong balitaan na ginanap sa Quezon City , sinabi ni Philippine Coast Guard Commodore Jay Tarriela na tumaas ang presensya ng Chinese Maritime Militia Vessels, Chinese Coast Guard (CCG) Vessels at People’s Liberation Army Navy (PLAN) ships ng higit sa 800 sa Kalayaan Island Group mula noong Enero hanggang Disyembre 2025.
Ayon kay Tarriela ,ito ang pinakamataas na deployment ng Chinese maritime militia na naglalayag ng ilegal sa Exclusive Economic Zone sa ibat-ibang maritime features sa Kalayaan Island.
Samantala , naitala naman noong Abril at Oktubre nakaraang taon ang mataas na presensya ng Chinese Maritime Militia Vessels at CCGs sa Bajo De Masinloc.
Ayon kay Tarriela, namonitor din ng ahensya na mas lumapit pa ang mga CCGs na dineploy sa Coast ng Luzon nang halos 30 nautical miles partikular na sa West Coast of Zambales maging sa Pangasinan kumpara sa monitoring noong mga nakaraang pang mga taon na nakafocus lang umano ang mga ito sa bahagi mg Bajo De Masinloc.
Dagdag pa ni Tarriela, mas napalayo ang mga banka ng mga Pilipinong mangigisda sa Bajo De Masinloc kumpara noong mga nakaraang taon dahil na rin sa paglapit ng mga Chinese Vessels sa mga Coastal Provinces ng bansa.
Samantala,nakamonitor rin ang ahensya ng 23 bagong Chinese Vessels na idineploy sa West Philippine Sea at 46 na mga chinese and Reseach Vessels nagsasagawa ng ilegal na marine research sa karagatan ng bansa.
Dahil dito , ay mas pinadami rin ng PCG ang ginawang pagpapatrolya sa mga nasabing areas.
Kaugnay nito , ibinida rin ni Tarriela na ang lumabas sa survey na 94% ng mga pilipino ay matibay na sumusuporta sa transparency approach ng pamahalaan sa paexpose sa ilegal at agresibong aksyon ng China sa WPS.
Tiniyak naman ng PCG na patuloy ang kanilang pagbabantay at pagbibigay ng seguridad sa mga katubigang nasasakupan ng bansa.










