Presensya ng dose-dosenang armadong lalaki sa bisinidad ng Masungi Georeserve, kinondena ng Masungi Georeserve Foundation

Nanawagan ang Masungi Georeserve Foundation sa gobyerno upang kumilos ang presensya ng armadong lalaki na nag-camp sa bisinidad ng conservation site noong weekend.

Dahil dito, nagpaskil ang Masungi Georeserve Foundation ng babala sa publiko hinggil sa naturang grupo na pinaniniwalaang galing sa Sinagtala Security Service na pinangangambahang bumubuo ng plano upang mapasakamay ang malaking bahagi ng lupa sa lugar.

Ayon kay Masungi Georeserve Foundation Trustee Ann Dumaliang, patunay na ito ay isang pagsalakay na labag sa National Integrated Protected Areas System o NIPAS Law.


Tumanggi namang magbigay ng impormasyon ang grupo ng mga armadong lalaki o magpakita ng valid land title.

Facebook Comments