Presensya ng foreign terrorist sa Mindanao, wala na

Kinumpirma ng Department of National Defense (DND) na wala na silang natitiktikang presensya ng mga banyagang terorista sa bansa, partikular sa Mindanao.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakakapasok ang mga terorista noon mula sa mga border ng Pilipinas malapit sa Malaysia at Indonesia.

Pero ngayon aniya ay nakatutok ang security forces sa mga lokal na terorista tulad ng Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiyah.


Nabatid na iniulat noong nakaraang taon ni Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP WESMINCOM) Commander Lieutenant General Cirilito Sobejana na nasa pitong terorista ang nasa Mindanao at sinasanay ang mga miyembro ng local terror groups.

Facebook Comments