Naniniwala ang ilang Pangasinense na hindi mawawala ang presensya ng mga politiko sa mga isasagawang cash distribution o pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Ayuda Para sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan sa ilang residente, inihayag ng mga itong hindi na umano tatanggihan ng mga pulitiko ang pagkakataon upang makapagpakilala o makapag kampanya sa tuwing may cash distribution.
Dagdag ng ilan, hindi na rin umano maiiwasan na isipin ng mga benepisyaryo na mula sa politiko ang ayuda dahil sa mga naglipanang tarpaulin at iba pang Tila campaign material na may mukha ng isang politiko.
Matapos ang mainit na usapin sa paggamit sa cash distribution bilang pangangampanya sa nalalapit na halalan, nakatakdang maglabas ng improvised guidelines ang DSWD, NEDA at DOLE ngayong linggo.
Ayon sa Department of Budget and Management, kabilang sa mga bagong guidelines ng pagpresenta sa National ID ng mga benepisyaryo at pagbabawal sa display ng tarpaulin, stickers at damit na may mukha o pangalan ng politiko upang matiyak ang mabisang paggamit ng pondo ngayong taon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨