Walang ebidensyang hawak ang Philippine National Police (PNP) na nasa bansa ngayon ang mahigit dalawang libong miyembro ng People’s Liberation Army.
Pahayag ito ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa kaugnay ng pagbubunyag nitong nakaraang linggo ni Senator Panfilo Lacson na ang dalawa hanggang tatlong libong sundalo ng China ay nasa bansa para sa isa umanong “immersion mission”.
Kamakailan ay may nakuha ang mga pulis na PLA ID sa dalawang suspek sa pagpatay sa isang Chinese sa Makati City.
Ngunit, kinumpirma rin ng PNP na hindi sa mga suspek ang mga PLA ID na dala nila at iniimbestigahan na rin kung paano napasakamay ng mga ito ang mga ID.
Una nang sinabi ni AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr, na nakikipag ugnayan na sila sa mga kaukulang ahensya upang matukoy ang katotohanan tungkol sa impormasyon na hawak ni Senator Lacson.