Itinuturing na election offense at posible pang maging dahilan ng diskwalipikasyon sakaling mapatunayan ang presensya ng isang kandidato sa mga social welfare projects.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay COMELEC Pangasinan Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza, sa ibinabang alituntunin sa kanila ay hindi na kasama o exempted na ang mga programa ng DSWD sa spending ban gayundin ang mga LGUs kung nag-apply para sa exemption.
Bagamat tapos na ang deadline nito noong February 11, ay posible pa rin umanong pagbigyan ang mga LGUs sa mga social welfare projects nito.
Ngunit, sa parehong kaganapan, bawal ang presensya ng mga kandidato maging ng mga kamag-anak nito.
Kamakailan, inilabas ng COMELEC ang Memorandum No. 25-01080 ang pag-exempt sa mga programa ng DSWD tulad ng AKAP at labing isa pang katulad nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨