Presensya ng mga pulis, mas paiigtingin ngayong nalalapit ang panahon ng Kapaskuhan

Asahan na ang mas pinaigting na police visibility habang nalalapit ang panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Officer (PNP-PIO) Chief Brigadier General Jean Fajardo, tumataas kasi ang economic activities kapag ganitong panahon kaya para maiwasan ang pananamantala ng mga kawatan, paiigtingin ang presensya ng kapulisan sa mga matataong lugar sa buong bansa.

Kaugnay nito, ipatutupad ang “No day off, No leave policy” sa hanay ng PNP simula December 15 hanggang January 12, 2025.


Itataas din ng PNP sa Heightened Alert ang kanilang status para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa panahong ito.

Paliwanag ni Fajardo, binibigyan na ng discretion ng liderato ng Pambansang Pulisya ang mga Regional Directors kung kailan nila itataas ang alert level sa kanilang area of responsibility depende sa sitwasyon sa lugar.

Facebook Comments