Presensya ng mga pulis sa ground, dadagdagan bilang paghahanda sa pagsisimula ng local campaign period ayon sa PNP

Mas mahigpit ang gagawing pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) may kaugnayan sa gagawing local campaign na magsisimula sa March 25 para sa gaganaping eleksyon sa Mayo.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, magdadagdag ang PNP ng mga tauhan sa ground lalo na sa mga lugar na mayroong presensya ng local terrorist group upang matiyak ang peace and order sa pangangampanya ng mga lokal na kandidato.

Kaugnay nito, nagbabala naman ang PNP sa mga kandidato na kukuha ng serbisyo ng Private Armed Groups (PAGs) para mang-harass ng mga kalabang kandidato.


Sinabi ni Col. Fajardo, nagsasagawa sila ng police operations para matukoy ang mga politikong may itinatagong PAGs.

Bukod dito, nagsasagawa rin ng monitoring ang PNP sa mga politiko na makikipag-sabwatan sa mga sindikato ng iligal na droga para sa tulong pinansyal sa kanilang pangangampanya.

Kakasuhan din daw ng PNP ang mga kandidatong mahuhuling magbabayad ng permit to campaign sa New People’s Army.

Facebook Comments