Magpapatuloy pa rin ang regular na pagpapatrolya na gagawin ng mga pulis sa mga pampublikong lugar ngayong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na sa National Capital Region (NCR) plus.
Sa ginawang zoom meeting ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni PNP Spokesperson Pol. BGen. Ildebrandi Usana, mahigpit na tutukan ng mga pulis ang areas of convergence.
Kabilang dito ang mga palengke, terminal at iba pa.
Inutusan na rin ang mga pulis na patuloy na mahigpit na ipatupad ang health protocol partikular na ang social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield.
Samantala ayon pa kay Usana bahagyang magkakaroon ng pagluluwag sa checkpoint.
Aniya magiging ‘flexible’ ang mga pulis at random na lang ang gagawin na inspeksyon para maiwasan ang pabagal sa daloy ng trapiko.
Pagdating naman sa curfew na adjusted ng alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga, pagsita na lang ang gagawin ng PNP at hindi na aarestuhin ang violators.
Bibigyan nalang sila ng warning at pagmumultahin.