Presensya ng Pangulo at Bise Presidente, nakakadagdag ng morale sa mga Cagayanon – VP Robredo

Unti-unting bumubuti ang sitwasyon sa mga ilang lugar sa Cagayan na binaha dahil sa Bagyong Ulysses.

Ito ang inihayag ni Vice President Leni Robredo kasabay ng kanyang pagbisita sa mga lugar na naapektuhan ng pagbaha para maghatid ng relief assistance sa mga apektadong residente.

Ayon kay Robredo, marami pa ring lugar ang baha pero dahan-dahan itong humuhupa.


Magpapatuloy ang rescue at relief operations sa Cagayan at Isabela para sagipin ang mga nasalanta ng bagyo.

Ang dalawang lalawigan ay kasalukuyang nasa state of calamity.

Facebook Comments